Monday 2 April 2012

2010 Scholarship

Ang Maia Outreach Programs po ay magbibigay ng scholarship para sa darating na eskuwela taong 2010 – 2011.

Narito po ang ilan sa mga requirements:

1. Residente at nasasakupan ng parokya ng Holy Spirit.

- Alido

- Malanggam

- Bliss

- Humel / Heritage

- Bulihan

2. Mag-aaral mula una hanggang ika-anim na antas (Grades 1 – 6) lamang.

3. Hindi makapag-aral dulot ng kahirapan.

4. Makapag-sumite po ng kailangan impormasyon bago mag Abril 15, 2010.

Ang sakop na matatanggap ng makakapasa sa scholarship.

1. - Isang taon tuition sa pinakamalapit na pampublikong paaralan sa tahanan ng bata.

2. - Isang bag na may kasamang school supplies.

Para sa mga interasadong sumali, mag-bigay lamang po ng isang application paper kina Bro. Ben or Bro. Rommel Santos sa 184 Dahlia St, Alido Heights Subdivision, Malolos, Bulacan. Kailangan sa application paper ang mga sumusunod na impormasyon:

1. - Kumpletong pangalan ng bata

2. - Kumpletong pangalan ng mga magulang (tatay at nanay)

3. - Tirahan ng bata

4. - Kumpletong pangalang ng baranggay kapitan

5. - Pangalan ng pampublikong eskwelahan na pinakamalapit sa tirahan ng bata.

6. - Pangalan ng principal ng eskwelahan.

7. - CP no (kahit ng pinakamalapit na tao sa applikante) para mai-text ang araw ng initial interview na gaganapin sa Abril 20-25, 2010 sa bahay nila Bro. Ben Santos. Sa interview ay dapat kasama ang isa sa mga magulang.

Bro. Ben C. Santos

MOP


(originally posted on April 5, 2010)

No comments:

Post a Comment