Ikaanim na Hinagpis ni Maria – Ibinaba si Hesus sa Krus
Noong taon ng 2007 dumating sa aming pamilya ang aming anak na babaeng si Maia. Magtatatlong gulang pa lamang ang aming panganay na anak noon na si Zek pero
kitang-kita na namin ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng baby sister. Aaminin ko na sa
loob ng 22 months ay ibayong tuwa rin ang aming naramdaman dahil para sa akin ay kumpleto
na ang aming pamilya, ang ipinagdasal ko na 2 anak, isang lalaki at isang babae. Wala na akong mahihiling pa ng mga panahong iyon.
Ngunit, may iba palang plano ang Diyos. Sa isang iglap ay gumuho ang aking buhay sa
biglaang pagkawala ni Maia. Sa labis na dalamhati ay may bahagi sa akin na parang gusto na
din mawala sa mundong ito.
Nung makita ko sa morge ang labi ni Maia, hindi pa rin ako makapaniwalana wala na siya. Ni
ayaw kong hawakan siya dahil patuloy ako na nagdarasal na may himala at awa ang Diyos at ibabalik
siya sa amin. Sinasabi ko sa aking sarili na mamaya lang ng konti ay babangon na siya dahil
nakatulog lang ng mahimbing….pero hindi ito nangyari. At dahil dito ay nagsimula akong
magalit sa Diyos. Tumigil ko ang pagdarasal at ayaw ko rin muna magpunta sa simbahan.
Bilang ina ay lubhang napakasasakit at mahirap tanggapin ang mawalan ng anak.
Ngunit ang sakit na aking naramdaman ay hindi pwedeng ihambing sa hinagpis ng ating Mahal
na Inang si Maria. Mula sa balitang paghuli kay Hesus dahil sa huwad na akusasyon, sa
madugong paghagupit ng mga Romanong sundalo, sa pagputong ng tink na korona kasabay
ng pagdura at pagkutya, sa pagparada ng duguang si Hesus habang pasan ang krus at sa
pagpako sa mga kamay at mga paa ay walang sing-sakit ang naramdaman ng ating Mahal na
Ina.
Ngayon nga ay ibinaba na ang walang-buhay ng katawan ni Hesus. Tila ba may sibat na
tumagos sa puso ng ating Mahal na Ina dahil ngayon lang niya muling mahahawakan ang
kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit sa kabila ng kanyang mga tahimik na panaghoy,
batid nating lahat ang kanyang matibay na tiwala sa banal na plano ng Diyos para sa kaligtasan
ng sangkatauhan.
Hindi niya tinanong ang Diyos. Tinanggap niya ang matinding sakit at
dalamhati bilang pagtanggap at pagsunod sa kagastusan ng Diyos.
Ilang taon na nga ang nakaraan pero ang sakit ng pagkawala ni Maia ay nanatili sa akin. Hindi ko alam
kung ito ay tuluyang pang mawawala o hindi na. Pero dahil sa biyaya ng Panginoon at sa tulong
at inspirasyon ng ating Mahal na Ina, unti-unti ko na din nakikita ang dahilan at misyon ang
pagdating at paglisan ng aking anak –
ito ay upang maipakilala at makatulong na mailapit ang
ibang tao sa Diyos bilang parangal sa aking anak na si Maia.
Ito na ngayon ang aking dalangin na patuloy akong hubugin ng Diyos, bigyan ng lakas at
pananampalataya gaya ng sa Mahal na Ina upang magampanan ko ng tunay at tapat ang aking
natitira pang misyon sa buhay.
And
so, let the pain remain.
https://www.facebook.com/perpetualmotherofhelp/videos/487616369563234/
https://fb.watch/a-7g_Hdm0Z/